Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to the 'Shoe Capital of the Philippines!'


Biyahe ni Drew: Marikina
Biyernes, February 24, 2017
8 pm sa GMA News TV
 
 
Siyudad ang itsura pero may pusong probinsiya,  iyan ang Marikina.  Sa Biyernes, samahan si Drew Arellano sa kaniyang pamamasyal sa tinaguriang Shoe Capital of the Philippines.
 
 
Siyempre, ang unang stopover ni Drew ay isang pagawaan ng sapatos. Makikilala niya ang isang sapatero na game na game sa pagbibigay ng crash course sa paggawa ng sapatos. Makakausap din niya ang ilang bagong salta sa Marikina na gustong mag-iwan ng sarili nilang tatak sa industriya sa pamamagitan ng paggawa ng mga sapatos na may kakaibang disenyo.
 
 
Pero sa paglipas ng panahon, may mga ibang produkto na ring umusbong sa Marikina. Sisilipin ni Drew ang planta ng 1911-type pistol na 1950s pa raw sinimulang gawin dito. Siyempre susubukan din niyang magpaputok sa firing range na libre kapag bumisita ka sa planta. Pero sa mga mas gusto ng tahimik na bisita, dumiretso na kayo sa Book Museum kung saan bukod sa libo-libong libro ay matatagpuan din ang pinakamaliit na libro sa buong mundo!
 
 
Para sa mahilig kumain, rekomendado ni Drew ang shoe factory-turned-restaurant na Kapitan Moy, pati na ang mga food park na tila nauuso sa siyudad. Puwede ring bumili ng ready to eat delicacies tulad ng Waknatoy, Relyenong Bangus, at Everlasting. And for merienda, huwag daw kalimutan ang kakanin, kalamay at puto’t kuchinta sa Puto Avenue.
 
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!