ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' unveils the secrets of Coron


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Biyahe ni Drew: SECRETS OF CORON
Biyernes, March 31, 2017
8 pm sa GMA News TV

Nakapunta na ba kayo sa World’s Best Island? Puwes, hindi n’yo na kailangang lumayo pa dahil ito ay matatagpuan lang sa Pilipinas. Ngayong Biyernes, let Drew Arellano be your guide as he tours his way around Coron, Palawan!

Humigi’t kumulang isang oras ang flight mula Maynila hanggang Busuanga, ang gateway to Coron. Mula rito, bibiyahe ka ng 45 minutes by land para marating ang Coron town proper.

Una sa itinerary ni Drew ang island-hopping, siyempre. Sasamantalahin niya ang magandang panahon at murang tour package para malibot ang ilan sa pinakamagagandang isla sa paligid ng Coron—mula sa ilang prisitine lagoons hanggang sa mga mala-birheng isla tulad ng Calachuchi Beach.  Kasama rin sa itinerary ang wreck diving at pagre-relaks sa Sangat Hotspring after a full day’s work.

Mga Tagbanua ang sinasabing unang nanirahan sa Palawan. Bibisitahin ni Drew ang Barangay Lajala kung saan niya makaka-bonding ang ilang Tagbanua na hanggang ngayon ay nagpapatuloy ng kanilang tradisyon at kultura.  Makikisali rin siya sa paghahanap ng mga ito ng pagkain, tulad ng sikad-sikad na isang local delicacy.

Siyempre, hindi makukumpleto ang biyaheng Palawan nang hindi nakakalublob sa sikat na Kayangan Lake na bahagi ng ancestral domain ng mga Tagbanua. At may isang sikretong lugar pa na ngayon lang ipakikita ng tribo sa mga tagalabas!

Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!