Filtered By: Newstv
NewsTV

Bangkok, Thailand, bibisitahin ng 'Biyahe ni Drew!'


 


Sa Biyernes, mangangapit-bansa muli ang Team BND. This time, sa isa sa pinakasikat na destinasyon sa Asya at World’s Most Visited City—ang Bangkok, Thailand!

Magkatulad ang Bangkok at Maynila sa maraming bagay—klima, hospitality, pati na  traffic! Buti na lang nagagamit ng mga Thai ang Chao Phraya River bilang alternatibo sa matrapik na kalsada. Kaya naman ito ang unang sasakyan ni Drew sa paglilibot niya. Sunod siyempre ang paborito ng mga turista, ang tuktuk na version nila ng tricycle.



Sa biyaheng ito, nasa To Do List ni Drew ang pagpunta sa mga Buddhist temple. Sa Wat Pho, mamamangha siya sa pinakaluma at pinakamalaking templo sa buong Thailand. Dito rin makikita ang pinakamalaking buddha sa Thailand na may habang 46 meters!



Sa Chatuchak, ang pinakamalaking shopping complex sa Bangkok, ‘shop till you drop’ ang motto ni Drew dahil name it, they have it.  Kaya naman umaabot ng halos 200,000 ang pumupunta rito kada weekend.



Hindi matatapos ang Biyahe ni Drew sa Bangkok nang hindi nakakatikim si Drew ng authentic pad thai, pati na ng ibang Thai delicacy tulad ng mga insekto. At siyempre, what’s a Bangkok trip without street food? Kaya sa Talat Phlu Market ng bagsak niya para lantakan ang sari-saring street food mula dimsum at noodles hanggang dessert.



Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!