Let's go back to Boracay!
Biyahe ni Drew: Bagong Boracay
Friday, March 15 2019
8 pm on GMA News TV
Handa ka na ba sa bagong Boracay? Sa Biyernes, samahan si Drew Arellano sa kaniyang muling pagbabalik sa minsan nang tinaguriang Best Beach in the World!


Matapos ipasara para sa rehabilation sa loob ng anim na buwan, muling binuksan sa publiko ang isla ng Boracay. Unang aalamin ni Drew ang mga bagong guideline at ordinansa sa pagbisita sa isla, isang mahalagang hakbang para masigurong mapanatili ang kaayusan.



Bibisitahin niya ang pinakabagong station, ang Station X. Dito may iba’t ibang restaurant na karamihan ay international cuisine ang inihahain. Babalikan din niya ang ilang Boracay staples tulad ng masarap at sikat na Calamansi Muffin, pati na ang mga bagong usbong na beachfront restos.



Kung watersports naman ang hanap ninyo, may designated area na para sa mga ito. Ganoon din ang mga dating beach front activity tulad ng massage at henna tattooing. Ang mga ito ang aalamin ni Drew sa pag-iikot niya sa isla.




Ano na nga ba ang nangyari sa Bagong Boracay? Alamin iyan sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
ENGLISH PR
After its 6-month closure, Boracay is now ready to receive guests again. Join Drew Arellano as he returns to the beautiful white sand beach, checks out the new establishments, re-discovers classic favorites like the famous calamansi muffin, and finds out the new guidelines and ordinances aimed at maintaining the cleanliness and order in the new, pristine Boracay.