Summer in Moalboal, Cebu
Biyahe ni Drew: Moalboal, Cebu
Friday, March 22 2019
8 pm on GMA News TV
Summer is here, biyaheros! Kaya samahan si Drew na tumambay sa tabing-dagat at makiisa sa kalikasan sa pagbisita niya muli sa Moalboal, Cebu.

Dating fishing village ang Moalboal. Pero ngayon, isa na ito sa mga pinakasikat na tourist destination sa Cebu, lalo na para sa mga naghahanap ng magandang kombinasyon ng nature and adventure.



Marine Protected Area na ang Moalboal kaya maingat na binabantayan ng mga bantay dagat ang kanilang karagatan. Palibhasa dating mga mangingisda, ganoon na lamang ang kanilang pangangalaga dito.
Hindi mawawalan ng masarap na kainan sa Moalboal. Rekomendado ni Drew ang local eats na shakoy at puto sulot na parehong masarap na merienda.


Para sa mga naghahanap ng pampataas ng adernalin level, subukan ang canyoneering. Siguraduhin lang na accredited ng tourism office ang guide ninyo para matiyak ang kaligtasan. Pero kung gusto ninyo ng kakaiba, subukan ang freediving at sumisid sa tinatawag na “sardine wall”. It’s an adventure you will never forget, biyaheros!
Welcome summer in Moalboal. Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
ENGLISH PR
Summer is here! And what better way to welcome it than to head to beautiful Moalboal in Cebu. Join Drew as he explores the underwater wonders of Moalboal, eats local favorites shakoy and puto sulot, goes canyoneering, and freedives to see the famous “sardine wall”.