ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
‘Biyahe ni Drew’
Add GMA on Google
Revisiting Mount Pulag
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Biyahe ni Drew: Revisiting Mount Pulag
Friday, April 12 2019
8 pm on GMA News TV
Halos fully-booked ang Mt. Pulag taon-taon. Pero paano ba napananatili ang kalinisan at disiplina sa isa sa pinakasikat na bundok sa Pilipinas? Aalamin iyan ni Drew Arellano sa Biyernes.


Bago umakyat, kailangang dumaan sa Munisipyo ng Kabayan na siyang entry point paakyat ng Pulag. Dito, makikilala ni Drew ang mga lokal na manghahabi na pawang mga kababaihan. Sila ang nangangalaga ng tradisyon ng paghahabi na minana pa nila sa kanilang mga ninuno.


Paakyat ng bundok, may mga madadaan si Drew na lawa. Isa na rito ang Ambulalakao Lake na tatlong beses nang binigyan ng “Cleanest lake” Award ng Gawad Pangulo sa Kapaligiran.



Matapos ang maikling pamamasyal, uumpisahan ni Drew ang pag-akyat sa tinaguriang Highest Peak ng Luzon at pangatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Itinuturing din itong sagradong lugar ng mga katutubong tribo na nakatira sa paligid ng bundok – ang mga Kalanguya, Karao, Ibaloy, at Kankanaey. Kaya naman mahalagang maging magalang at sensitibo sa kultura ng mga residente at maging maingat sa kapaligiran.


Kamusta na kaya ang Mt. Pulag mula nang huling akyatin ito ni Drew? Abangan sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
ENGLISH PR
Drew Arellano treks up the Highest Peak in Luzon and one of the most popular mountains in the country, Mt. Pulag. He begins his adventure in Kabayan where he meets the skillful local weavers continuing the tradition of their ancestors. He then explores Ambulalakao Lake, said to be the cleanest in Benguet, before making his way up to the summit of the third highest mountain in the Philippines.
Tags: biyahenidrew
More Videos
Most Popular