Filtered By: Newstv
NewsTV
‘Biyahe ni Drew’

Biyahero Drew visits Puerto Princesa, Palawan


Biyahe ni Drew: Sustainable Tourism in Puerto Princesa, Palawan
Friday, April 26 2019
8 pm on GMA News TV

“Clean is in” sa Puerto Princesa. Kahit saan mo ibaling ang iyong paningin, tiyak halos wala kang kalat na makikita. Ang nakakabilib na pagmamalasakit ng mga taga-Puerto Princesa sa kanilang kapaligiran ang masasaksihan ni Drew Arellano sa biyahe niya ngayong Biyernes.
 
 
 
Makikilala ni Drew ang mga personalidad na matindi ang dedikasyon sa pagpapalaganap ng 3R technology o Reduce, Replace, at Redesign. Ito raw ang  teknolohiyang ginagamit ng mga zero carbon resorts sa buong mundo at siyempre, sa Puerto Princesa.
 
 
 
 
Sa mga tourist attractions, tuloy pa rin ang kalinisan. Sa Hundred Caves, kitang-kita ang masiglang ecosystem dahil inaalagaan ito ng komunidad. Makikita rin ito sa mangrove forests ng Puerto Princesa Subterranean River National Park kung saan kampanteng naninirahan ang ilang wild creatures tulad ng sea snakes at migratory birds.
 
 
 
Bibisitahin din ni Drew ang Environmental Museum kung saan on exhibit ang mga nakumpiskang gamit ng mga illegal loggers at illegal fishermen, kasama na ang halos isang libong chainsaw na ginamit sa pagputol ng mga puno sa Palawan.
 
 
 
 
At bago pa matapos ang kaniyang biyahe, titikim si Drew ng local delicacies na karamihan ay fresh, organic, at ang ilan, raw o hilaw. And for dessert, hindi niya palalampasin ang sumbulo o suman sa loob ng bulo o kawayan.
 
 
 
 
 
Pagmamahal sa kapaligiran at pagmamalasakit sa kalinisan. Lahat nang iyan sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
 
(English version)
 
Drew Arellano learns new lessons in environmental stewardship and love for nature as he visits Puerto Princesa in Palawan. He meets the people behind the 3 R technology practiced in zero carbon resorts, goes to Hundred Caves which is cared for by an entire community, and visits the Environmental Museum where he encounters the weapons used against Mother Nature.
Tags: biyahenidrew