Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Iligan City


Biyahe ni Drew: Iligan City
Friday, 20 September 2019
8 pm on GMA News TV

Sa Biyernes, mag-disconnect to reconnect with nature! Samahan si Drew Arellano sa biyahe niya sa tinaguriang City of Majestic Waterfalls…ang Iligan City!

Unang bibisitahin ni Drew ang Sikyop Rogonon Iligan kung saan makikilala niya ang mga katutubong Higaonon. Dito rin mas mauunawaan niya ang iba’t ibang tradisyon ng mga katutubo na nakaugat sa kanilang relasyon sa kalikasan.

Siyempre, pupuntahan ni Drew ang ilan sa pinakamagagandang talon sa bansa! Nangunguna riyan ang Maria Cristina Falls na siyang nagbibigay ng hydro-electric power sa buong Mindanao, pati na ang Talon ng Pampam at Tinago Falls.

For a delicious Iligan food-venture, titikman ni Drew ang version nila ng fried chicken at inihaw na manok at liempo. Ang nakakatuwa, ang lahat ng ingredients ay galing mismo sa lokal na palengke at suppliers. Kasama na riyan ang Maranao delicacy na palapa.

Nature, culture, and adventure… lahat nang iyan sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

Nature, culture, and adventure await Drew Arellano as he travels to the City of Majestic Waterfalls, Iligan City, and spends quality time with the Higaonon tribe, explores the city’s famous waterfalls, and relishes food sourced locally.

Tags: biyahenidrew