ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Love life ni PNoy sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BRIGADA Street Food Trip, Wing Chun Kung Fu, at Love Life ni PNoy Airing date: Feb. 6, 2012 Street Food Trip

Base sa lumabas na pag-aaral ng DOST-FNRI Region 11 Center for International Migration and Development ang ilang mga street food kagaya ng isaw, japanese pancakes, sliced fruits at fishballs, maaaring magtaglay ng mikrobyo kahit pa maingat ang paghahanda sa mga ito. Samahan si Cedric Castillo sa naiibang Street Food Trip sa pag-alam kung paano maiiwasan ang mga mikrobyong ito.        

Wing Chun Kung Fu

Noong 2008 tinatayang 6,700 kaso ng karahasan sa mga kababaihan ang naitala. Wala pa riyan ang mga kasong hindi na naiuulat sa pulisya. Kaya napapanahon at akmang-akma raw para sa mga kababaihan ang Wing Chun Kung Fu class, martial arts na ginawa talaga para maging self-defense ng mga kalahi ni Eba! Sasailalim si Micaela Papa sa isang Wing Chun Kung Fu class para malaman kung paano makakatulong ito sa mga kapwa niya babae.

Love Life ni PNoy

Sentro ng atensyon ngayon ang Koreanang si Grace Lee matapos mabalitang nagde-date sila ni Pangulong Noynoy Aquino. Aalamin ni Nelson Canlas kung bakit ganoon na lang kung tutukan ng sambayanan ang lovelife ni PNoy. 

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama. sa iisang Brigada!

Tags: plug, brigada,