ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pag-asenso ng buhay ni Ryzza Mae Dizon, idedetalye sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Brigada
Airing Date: May 6, 2013

KILLER RIDE



Ayon sa Department of Health sa last quarter ng 2012, umabot sa mahigit labingtatlong libong kaso ang naitalang aksidente na may kinalaman sa pagmomotorsiklo. Sinuri ni Ian Cruz kung ano ang kadalasang problema at pagkakamali ng mga nagmamaneho ng motor at kung epektibo rin ba ang mga ipinatutupad na batas lansangan kontra semplang.

ALING MALIIT



Mag-iisang taon matapos manalo sa Little Miss Philippines, kinumusta ni Nelson Canlas si Ryzza Mae Dizon. Paano na nga ba nagbago ang buhay ng pinakabatang talk show host ngayon sa balat ng lupa?

BIPOLAR DISORDER



Bipolar disorder, isang sakit na dati'y hindi pinag-uusapan pero ngayon parami na nang parami ang mga lumalantad na meron nito. Nakapanayam ni Claire Delfin ang nag-iisang anak ni Kuh Ledesama na si Isabella, aminadong bipolar, at inalam kung paano niya nilalabanan ang sakit na ito.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!