ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Peligro mula sa mga hayop sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Martes sa Brigada, babalikan natin ang iba’t ibang mga istorya tungkol sa mga hayop na naminsala sa ilan nating mga kababayan.





BANGIS NG PANGIL
Noong nakaraang Enero, isang ginang ang kumpirmadong namatay sa rabies na dala mismo ng kaniyang alaga na nakakagat sa kaniya. Isa lang siya sa tinatayang daan-daang kaso ng rabies araw-araw na naitatala at ikinaaalarma mismo ng DOH o Department of Health. Bagama't may bakuna na laban dito, inalam ni Tricia Zafra kung paano pa mas makakaiwas sa nakamamatay na sakit na rabies.




 
DEADLY KURET
Mayaman ang baybayin ng La Union sa iba’t ibang uri ng alimangong tiyak paborito ng karamihan dahil sa sarap at linamnam nito. Subalit hindi pala ligtas kainin lahat ng alimango dahil ang ilan nga may taglay palang lason! Tinungo ni Mav Gonzales ang bayan ng Balaoan sa La Union para kumustahin ang mga nabiktima ng nakalalasong alimango na kung tawagi’y 'kuret'.


 


WANTED: DAGANG GAPO

May all-out war ngayon sa lungsod ng Olongapo pero hindi kontra mga terorista o kriminal kung 'di laban sa kanila ngayong public enemy number one -- mga daga! At alok ng lokal na pamahalaan sa mga residente pabuyang pera kapalit ng mahuhuling bubwit! Inalam ni Julius Segovia ang kanilang diskarte para matugis ang mga pesteng daga.

Abangan ngayong Martes sa Brigada, September 30, 2014, 8 PM sa GMA News TV.
 

Tags: prstory