ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Sunod-sunod na sunog sa Metro Manila, tatalakayin sa 'Brigada'
BRIGADA
Martes, Marso 10
8 PM sa GMA News TV-11

“TUPOK”
Ulat ni Sherrie Ann Torres
Ulat ni Sherrie Ann Torres



Tuwing Marso ginugunita ang Fire Prevention Month dito sa ating bansa. Pero bago pa man bumungad ang buwang ito, kabi-kabilang malalaking sunog na ang naiulat na tumupok sa kabuhayan at pangarap ng mga biktima. At sa tumitinding init, inaasahang madaragdagan pa ang sisigaw ng “Sunog!” sa mga nalalabi pang araw ng Marso. Pinuntahan ni Sherrie Ann Torres ang ilang mga nasunugan nitong mga nakalipas na araw.
“BIYAHENG NORTE”
Ulat ni Dano Tingcungco



Wala na yatang makatatakas sa nakapapasong init ng panahon ngayong summer. Kaya naman kung matutusta ka rin lang… gawin ito sa paraang masaya at hindi malilimutan. Para ma-achieve ito, ang dinarayo ng ilan, mga probinsya sa Norte! Sa “Biyaheng Norte” ni Dano Tingcungco, ilan sa mga tinungo niya ang relaxing white sand beaches ng Pagudpud pati na ang hitik sa kasaysayang mga atraksyon sa Paoay at iba pang lugar sa Ilocos Norte.
More Videos
Most Popular