ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Jay Taruc, magbabalik-'Brigada' sa isang espesyal na episode tungkol sa España


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


“CAMINO”  sa BRIGADA
May 18, 2015
8 pm sa GMA News TV


Ang Camino de Santiago na kilala rin bilang 'Way of St. James' ang itinuturing na pangatlo sa pinakabanal na destinasyon para sa peregrinos o pilgrims. Ito ay isang tradisyunal na pilgrimage site na nagsimula pa noong Middle Ages.

Hindi biro ang maging peregrino ng Camino. Inaabot kasi ng isang linggo ang pinakamaiksing nilalakad ng mga pilgrim papunta sa simbahan sa Santiago de Compostela, ang Cathedral of St. James. Dito pinaniniwalaang nakahimlay ang labi ng isa sa mga pinakamalapit na disipulo ni Kristo na si St. James the Great.  Depende sa rutang dadaanan, ang iba, inaabot ng mahigit isang buwan bago matapos ang pilgrimage. Sa mga ruta din makikita ang mga dilaw na arrow para magsilbing gabay ng mga peregrino para masigurong hindi sila maliligaw.



Ngunit para sa ibang peregrino, natatapos lang ang kanilang paglalakbay kapag narating na nila ang Finisterre. Noong Middle Ages, pinaniniwalaan na ang lugar na ito ang katapusan ng mundo. Dito, sinusunog ng mga peregino ang kanilang mga personal na gamit bilang simbolo ng pagtatakwil sa mga negatibong aspeto ng kanilang buhay.

Walang pinipiling lahi, kultura at paniniwala para maging peregrino. Lahat ay maaaring maglakbay, ano pa man ang rason at intensyon, may relihiyon man o wala. Sa datos ng Kagawaran ng Turismo ng Espanya, may ilang Pinoy na ang nakatapos ng paglalabakbay bilang peregrino sa Camino.  Kinilala ni Jay Taruc ang ilan sa mga peregino para alamin kung bakit nila piniling lakbayin ang Camino.

Huwag palalampasin ang espesyal na pagtatanghal na ito ng Brigada, ngayong Martes, Mayo 19, 8 PM sa GMA News TV.