ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga piraso ng gintong nahahanap sa tambak ng basura, tampok sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.





BRIGADA


June 2, 2015

8 pm sa GMA News TV

 

YAMAN SA BASURA

Sa Smokey Mountain sa Maynila may kakaibang yamang nakukuha ngayon ang mga mangangalakal ng basura – mga piraso ng gintong literal nilang inaasahan para sa makinang na kinabukasan. Kanya-kanya tuloy ng bungkal ng basura maging ang mga batang mangangalakal para samantalahin ang tila pambihirang pagkakataon ng pagkakaroon ng ginintuang pag-asa sa kanilang peligrosong hanapbuhay. Inalam ni Victoria Tulad kung saan nga ba nagmumula ang ginto sa Smokey Mountain.

 


 

LESBIAN COUPLE

Pinag-uusapan ngayon ang programang “The Rich Man’s Daughter” dahil sa mapangahas nitong pagtatampok ng kuwento ng pakikipagrelasyon na laganap din naman subalit tila hindi tanggap ng karamihan – relasyong babae sa babae o mga lesbian relationship. Ayon sa LGBT community, napapanahon ang mga programang ganito para mamulat ang sambayanan na ang wagas na pag-ibig at walang pinipiling kasarian. Tatalakayin ni Nelson Canlas kung bukas na nga ba ang ating lipunan sa ganitong klase ng mga relasyon.

Abangan ang mga kuwentong binantayan ng Brigada ngayong Martes, June 2, 8 PM sa GMA News TV!