ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Para sa Pangarap,' education special na handog ng 'Brigada' ngayong Martes
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BRIGADA
June 23, 2015
8 pm sa GMA News TV
"PARA SA PANGARAP"
‘Ika nga nila, ang edukasyon ang natatanging kayamanang hindi mananakaw ninuman. Sa isang bansang mahirap tulad ng Pilipinas, biyayang maituturing ang mga kabataang hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay – silang mga estudyanteng sa pag-aaral nakikita ang oportunidad para mapasakamay ang inaasam na magandang kinabukasan.
Tulad na lang ng magkapatid na sina Jerlyn at Cedric na itinuring ng tahanan ang isang sulok ng Navotas bus terminal. Kahit pa walang permanenteng tirahan, hindi ito naging hadlang sa kanila para magsumikap sa pag-aaral at maihanay sa mga pinakamagagaling na estudyante sa kanilang paaralan. Nasaksihan ni Tricia Zafra kung paano sinusuong ng magkapatid, at maging ng iba pa nilang mga kaeskwelang handang tumawid sa mataas na pader o ‘di kaya’y lumusot sa maruming kanal, ang iba’t ibang mga pagsubok para lang makapasok sa paaralan.

Kakaibang dedikasyon din sa pag-aaral ang ipinamamalas ng mahigit limampung mga katutubong estudyanteng Mangyan ng Gatol Primary School, ang natatanging paaralang matatagpuan sa kabundukan ng Bulalacao, Oriental Mindoro. Isa sa mga kahanga-hanga nilang mag-aaral ang labing siyam na taong gulang at Grade 2 student na si Ramil. Kahit pa higit siyang nakatatanda sa kanyang mga kaklase, hindi ito naging hadlang sa kanya para sa kagustuhan niyang matutong bumasa. Dito rin napatunayan ni Mav Gonzales na hindi dapat maging hadlang sa karunungan kahit pa ang kilo-kilometrong lakaran.
More Videos
Most Popular