ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Paghahasik ng lagim diumano ng engkanto sa Nagcarlan, sisiyasatin ng 'Brigada'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Engkanto
Tila gabi-gabing may exodus sa isang liblib na barangay sa Nagcarlan, Laguna. Pagkagat kasi ng dilim, ang mga residente rito, agad lumilikas sa mga karatig-lugar dahil sa pinangangambahang kababalaghang sanhi diumano ng isang engkanto na nambubulabog sa kanilang lugar. Bukod pa rito, may ilang nakursunadahan pa diumano ang engkanto. Para mabigyang linaw ang mga haka-haka ng mga residente, nagsama si Jay Sabale ng ilang mga ekspertong mag-iimbestiga sa kakaiba nilang mga nararamdaman.




Nasaan ka, ama?




Nasaan ka, ama?
Kahit pa nahinto na ang operasyon ng mga aktibong base militar ng Amerika dito sa Pilipinas noong pagpasok ng dekada nobenta na naging dahilan ng pamamayagpag ng prostitusyon sa Angeles, Pampanga, tila buhay pa rin ang imaheng ito sa lugar. At kung dati naglipana ang isang henerasyon ng mga “Amerasian” o anak ng mga Amerikanong sundalo sa Angeles, lumalaki’t nagkakaisip na rin ngayon ang mga naging anak naman ng mga turistang Australyano sa Hadrian Extension sa Angeles. Nakilala sila ni Katrina Son, pati na ang bawat kwento ng paghahanap at pangungulila nila sa mga banyaga nilang ama.

More Videos
Most Popular