Pagpapahalaga ng mga Pinoy sa oras, istoryang binantayan ng 'Brigada'
TRES HIJOS
Hindi matatawaran ang debosyon ng mga namamanata sa Itim na Nazareno ng Quiapo. Taun-taon kasi, aabot sa milyon ang nagtitiis sa siksikan at pagod makalapit lang sa pinaniniwalaang milagrosong poon. Sa kabila ng kwento ng pag-asa ng napakaraming namamanata, kakaibang dedikasyon din ang ipinakita ng mga nakilala ni Mav Gonzales na nakibahagi sa prusisyon na hindi naman deboto ng Itim na Nazareno. Kasama rito ang banyagang photojournalist na si Sidney, ang rescue volunteer na si Johnas, at ang pulis na si Mary Rose.


Filipino time is on time… ganito na raw dapat ang pagtingin at pagpapahalaga nating mga Pilipino pagdating sa oras. Sa kabila kasi ng tila nakaugalian na ng ilan sa ating pagiging late sa iba’t ibang mga aktibidad sa buhay… isinusulong ngayon ng DOST o Department of Science and Technology ang Philippine National Time Consciousness Week para maging mas pahalagahan natin ang importansya ng pagiging on-time hindi lang para sa ating mga sarili, kundi para na rin sa ating kapwa na rin. Inalam ni Katrina Son kung magagawa nga ba nating baguhin ang konsepto ng Filipino time.

