Paglala ng malnutrisyon sa kabataan, tatalakayin sa 'Brigada'
Brigada
May 3, 2016
8 PM sa GMA News TV
Brigada Eleksyon Serye: Gutom

Ayon sa pag-aaral ng IBON Foundation noong nakaraang taon, nasa 21% ng mga kabataang Pilipino ang malnourished o salat ang katawan sa nutrisyon. Marahil kaugnay ng kahirapan tila lumalaki pa raw ang bilang na iyan bunsod na rin daw ng kakulangan ng pondo ng gobyerno para matugunan ang pangangailangan sa pagkain ng mga kabataang magmamana at susunod na mamumuno sa ating bansa.

Kung magpapatuloy ang pagdami ng mga nagugutom sa Pilipinas, anong kinabukasan ang naghihintay para sa ating bayan? Sa huling yugto ng Brigada Eleksyon Serye, sisiyasatin ni Mariz Umali ang iba't ibang mga isyu kaugnay ng gutom at malnutrisyon sa mga kabataan.
Marinduque Loop
Hitik sa kasaysayan at likas yaman ang lalawigan ng Marinduque, ang probinsyang itinuturing na “puso ng Pilipinas” dahil sa pagiging nasa gitna nito ng ating kapuluan. Isa sa mga pambato ritong tourist destination ang Maniwaya Island kung saan matatagpuan ang napakalinaw na tubig at pinong buhangin. Kung food trip naman ang hanap, tiyak maiibigan ang mga lutong Marinduqueñong crispy pata at iba't ibang mga putaheng sinangkapan ng gata. Mae-experience daw lahat ng ito sa pamamagitan ng tour na kung tawagi'y Marinduque Loop kung saan malilibot ang buong probinsiya sa loob lang ng isang buong araw! Tinuklas ni Katrina Son ang iba't ibang kagandahang angkin ng lalawigan ng Marinduque