ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kuwento ng huling mambabatok na si Apo Whang-od, babalikan sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

ANG HULING MAMBABATOK

Kilala ang mga tribo sa Kalinga sa kanilang malalaki at detalyadong mga tattoo na bumabalot sa kanilang katawan. Ang tradisyon nilang ito ng pagbabatok o paglalagay ng mga tattoo… nanganganib ng maglaho. Mabuti na lang at naipagpapatuloy pa rin ito ng natitirang orihinal na mambabatok ng Kalinga na si Apo Whang-od. At sa edad niya ngayong 100… marami ang nagmumungkahing kilalanin siya bilang isang Pambansang Alagad ng Sining. Tumungo sa Buscalan, Kalinga si Mav Gonzales para kilalanin si Whang-od at ang sining ng pagbabatok… at pati na rin mamarkahan sa balat ng itinuturing ng institusyon sa pagta-tattoo sa bansa.

ABO AT TUBIG

Pag-uuling ang isa sa pinaka-pangunahing pinagkakakitaan ng ilang mga residente sa Catmon, Malabon. Ang hanapbuhay na ito… nagiging isa na ring mabigat na pagsubok. Mahirap na nga ang trabaho… tila pinagkakaitan pa sila malinis na tubig na maipanglilinis sana sa marurungis nilang mga katawan. Isa kasi ang kanilang lugar sa maraming komunidad sa bansa na walang maayos na linya ng patubig. Nasaksihan ni Victoria Tulad ang iba’t ibang diskarteng ginagawa ng mga residente para mapagkasya ang naiigib nilang kakarampot na tubig.

Tags: plug, brigada