ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Imbestigasyon sa pagkamatay ni Kian delos Santos, tinutukan ng 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BRIGADA
AUG 29, 2017
8 pm sa GMA News TV


MENOR DE EDAD


Umani ng sari-saring batikos ang insidente ng diumano pagpatay ng mga pulis sa labimpitong taong gulang na si Kian Loyd delos Santos. Sa isang “one-time, big-time” anti-drug operation na isinagawa noong ika-16 ng Agosto, 2017 ng mga miyembro ng Northern Police District sa Brgy. 160 sa lungsod ng Caloocan, dinampot diumano ng mga pulis si Kian hanggang sa pagbabarilin sa sulok ng isang eskinita matapos daw manlaban. Hustisya ang sigaw ng mga pamilya’t nakikisimpatiya sa napaslang na binata, pati na sa iba pang mga naging inosenteng biktima ng giyera kontra droga ng pamahalaan. Muling binalikan ni Bam Alegre ang mga pangyayari na tumapos sa buhay at pangarap ng menor de edad.

RESCUE VOLUNTEERS


Sa lungsod ng Las Piñas, isang grupo ang nakahandang tumugon sa anumang oras na may tawag ng pangangailangan. Sila ang grupo nina army reservist Sgt. Neil Allan de Leon – isa lang sa napakaraming volunteer rescue groups na tumutulong sa mga kababayan nating nasa iba’t ibang emergency situation. At kahit pa nagtatrabaho sila na walang anumang kapalit na halaga, patuloy pa rin sila sa kanilang misyon na makatulong para sa mga nangangailangan. Nasaksihan ni Jamie Santos kung paano ang isinasagawang pagtulong ng mga rescue volunteers ng Las Piñas.
Tags: pr, plug, brigada