Epekto ng pagkakaroon ng 'third eye,' tatalakayin sa Brigada
THIRD EYE
Parasa ilan, higit pang mas nakatatakot ang mga bagay na hindi basta nakikita ng ating mga mata. Mas labis nga raw na nakagigimbal ang mga nakikita ng sinasabing third eye dahil kahit anong iwas man ang gawin, hindi raw maiiwasang masilayan nito ang iba’t ibang mga hindi maipaliwanag na nilalang. Kaya naman ganoon na lang ang kagustuhan ng ilang bukas ang third eye na humingi ng tulong sa mga eksperto para maipasara ito. Sinubukang alamin ni Nelson Canlas kung anu-ano ang mga na nakikita ng mga taong may kakayanang makakita ng bagay na paranormal.
BANGUNGOT
Makapanindig-balahibo ang pakiramdam na sa kalagitnaan ng iyong pagtulog, biglang mabubuhay ang iyong diwa pero nananatiling tulog ang iyong katawan. Ganito ang nararanasan ng mga sumasailalim sa sleep paralysis o bangungot. Pero ayon sa mga eksperto, hindi ito produkto ng kababalaghan kundi ng dulot ng problema sa pancreas o lapay na kung minsa’y nagiging sanhi ng biglaang pagkamatay ng mga binabangungot. Inalam ni Mav Gonzales ang mga pamamaraang maaaring gawin para makaiwas sa kinatatakutang bangungot.