ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagsasanay ng ilang Pinay 'K-Pop Idol Wannabes,' sinundan ng 'Brigada'


 


KWENTUHAN SA WAWA
Malaking bagay ang edukasyon para makamit ang maginhawang kinabukasang inaasam. Pero hindi madaling makuha ito kung hindi taglay ang kaalaman sa pagbabasa. Kaya naman para sa gurong si Teacher Celine, walang katumbas ang sakripisyong ginagawa niya para lang maturuan ng pagbabasa ang mga kabataan ng Paete, Laguna sa pamamagitan ng proyektong “Kwentuhan sa Wawa” – isang lingguhang pagtitipon na kanyang inoorganisa kung saan ang mga gurong kagaya niya’y nagbabahagi ng mga kwento sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro. Nakidalo si Lala Roque sa isa sa mga pinakahuling isinagawang Kwentuhan sa Wawa.

Education is important to have a better future. But this is not easy to achieve, one should be willing to learn through reading. For Teacher Celine, there is no amount for the sacrifice that she is doing to teach the children to read in Paete, Laguna through a project “Kwentuhan sa Wawa”. This is a weekly get together that she organizes where teachers like her share their stories  by reading books. Lala Roque joined in one of their sessions.

 


K-POP IDOL WANNABES

“Aja aja fighting!” ang maraming kabataang Pilipino pagdating sa usapang K-pop o Korean pop. Bukod kasi sa natatanging indak at tugtugin, patok ito sa mga kabataan dahil sikat at tinitingala ang mga hinahangaan nilang K-pop idol. Kaya naman marami rin ang sumasali hindi lang dito sa ating bansa kundi pati sa Korea sa mga pagsasanay para maging susunod na “dae bak” o hanep na Pinoy K-pop idol! Tumungo sa Korea mismo si Aubrey Carampel para masaksihan kung gaano nga ba kahirap at kadugo ang pinagdaraanan ng mga nag-aasam na maging K-pop idol.

 



Many young Pinoys are crazy about K-pop or Korean pop. Their unique dance moves and their good looks are admired by many. With this, many people dream of being one, not only in our country, even in Korea. They train to be the next “dae bak” or Pinoy K-Pop idol! Aubrey Carampel went to South Korea to witness the hardships that they are going through to be a K-Pop idol.

 


CULIAT FOOTBALL CLUB

Sa isang bansa kung saan sikat na sikat ang larong basketball, nakatutuwang isipin na mayroon pa rin palang mga kabataang nahuhumaling sa iba pang sports katulad ng football. Ito ngayon ang kinalolokohan ng maraming kabataan sa Brgy. Culiat sa Quezon City. Salamat na rin sa tulong ng mga dating manlalaro ng ating national team, nakatatanggap ng libreng pagsasanay sa football ang mga batang tulad ng katorse ayos na si Aljim na nangangarap na maging mahusay na manlalaro ng football tulad ng idolo niyang is Phil Younghusband. Nakisali si Athena Imperial sa katatapos lang na training ng Elmer Lacknet Bedia Football Academy.

 



Despite being in a country where basketball is the popular sport, there are still young people who likes other sports like football. This is the sport chosen by the young people of Brgy. Culiat in Quezon City. This is also because the former national team players volunteers to give free football lessons to the teens like fourteen year old Aljim who dreams of becoming a professional football player like his idol Phil Younghusband. Athena Imperial joined in the recent training of Elmer Lacknet Bedia Football Academy.