Ang higante ng Kennon Road, tampok sa 'Brigada'

ANG HIGANTE NG KENNON ROAD
Taong 1905 binuksan sa publiko ang Kennon Road, ang kalsada mula La Union paakyat sa lungsod ng Baguio sa Benguet. Sa kabila ng pamoso nitong zigzag na daanan, isang misteryo ang pinaniniwalaang taglay ng lagusang ito. May mga naitala raw kasing trabahante ng itinatayo noong Kennon Road ang nawala at hindi na natagpuan, at diumano ang sanhi daw nito ay isang higanteng naninirahan daw sa isang kwebang matatagpuan sa tanyag na kalsada. Sinubukang tuntunin ni Katrina Son ang sinasabing kwebang ito para alamin kung may katotohanan nga ba ang kwentong bayang ito.

MARVELOUS MARIVELES
Kung napapabalita na ang napipintong pagpapasara sa suki ng mga turista na Boracay, paano na lang ang mga travelers at adventure-seekers na gustong magliwaliw sa mala-paraisong lugar? Mabuti na lang at tatlong oras lang mula sa Maynila ang Five Fingers sa Mariveles, Bataan. Dito mabibighani ka sa ganda ng mga tanawin, malinaw na tubig, at makapigil-hiningang mga atraksyong tiyak na hindi mo malilimutan. Muling nagbalik-bayan sa Bataan si Tricia Zafra para ipakilala sa atin ang ganda ng kanyang hometown.

English version:
ANG HIGANTE NG KENNON ROAD
In 1905, Kennon Road opened to the public, the gateway from La Union province to the city of Baguio in Benguet. But behind its famous zigzag turns lies a mystery. During its construction, several workers went missing. Some believe that they were taken by a giant living in one of the caves along the famous highway. Katrina Son explored the cave to discover its secrets and legends.

MARVELOUS MARIVELES
Due to various environmental issues in Boracay, temporarily closing the island to tourists is a near possibility. Adventure-seekers need not despair. Luckily, only three hours away from Manila is Five Fingers cove in Mariveles, Bataan where clear waters and white sand will steal your breath away. Tricia Zafra once again returns to Bataan to show the beauty of her hometown.