ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Katapatan ng mga Pilipino, kikilatisin ng ‘Brigada’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BRIGADA
August 28, 2018
8 PM sa GMA News TV

PINOY HONESTY

Sa rutang Taytay-Quiapo, may bus na bumibiyahe na tila iba mula sa ating nakasanayan. 

Binansagan itong honesty bus dahil sa halip na may konduktor na abala sa paniningil ng bayad at panunukli, ang mga pasahero na mismo ang maghuhulog ng kanilang pamasahe sa isang kahon sa loob ng bus. 

Sa pagsama ni Bam Alegre sa biyaheng ito, sinubukan niyang alamin kung totoo nga bang honesty is the best policy para sa ating mga Pinoy.

LOLO MANGINGISDA

Si Tatay Dionisio, may edad na pero  patuloy pa rin siya sa paglaot sa karagatan sa Mariveles, Bataan. Mag-isa siyang nakatira sa isang maliit na kubo kung saan dinadalaw siya ng kanyang anak.  

Ang lakas at paningin ni Tatay Dionisio patuloy man na tumatamlay, humuhugot naman siya ng lakas sa pagmamahal ng kanyang pamilya. 

Kinilala ni Mariz Umali ang Lolong mangingisda na maaaring paghugutan ng inspirasyon ng marami sa atin.

Tags: plug