Kuwento ng Filipino nurses, tampok sa 'Brigada'
BRIGADA
October 16, 2018
8 pm sa GMA News TV
PINOY NURSES

Hindi matatawaran ang galing at husay ng mga Pinoy nurses, kaya naman hindi na rin kataka-taka kung gaano sila ka-in demand sa ibang mga bansa na nangangailangan ng atensyong medikal.

Bukod sa Europa at Middle East, isa ang Estados Unidos kung saan nakakakita ng magandang oportunidad ang mga Pinoy nurses para makapagtrabaho ng may mataas na sweldo.

Sa kabila nito, marami pa rin tayong mga Pinoy nurses na mas pinipiling magsilbi sa ating mga kababayan sa mga malalayong komunidad dito sa ating bansa. Inalam ni Lhar Santiago ang estado ng mga Pinoy nurses na nagseserbisyo dito sa Pilipinas maging sa Amerika.
LABIS NA KAMATIS

Nag-viral kamakailan ang larawan ng tone-toneladang kamatis na itinapon at nasayang lang sa Kalayaan, Laguna.
_2018_10_16_17_50_24.jpg)
Hindi na raw magawang mabenta ang mga ito dahil sa sobra-sobrang supply, isang nakapanghihinayang na sitwasyon ngayong panahon kung kailan labis na nagtataasan ang presyo ng mga bilihin.

Sinadya ni Tricia Zafra ang mga taniman ng kamatis sa Laguna para kumustahin ang kalagayan at problemang kinakaharap ng mga magsasakang umaasa sa kamatis.