ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Meningo scare, tatalakayin sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BRIGADA

JANUARY 15, 2019

8 pm sa GMA News TV

FACT OR FAKE: MENINGOCOCCEMIA: MAY OUTBREAK BA?

Simula ngayong Martes, mapapanood na ang Fact or Fake sa Brigada!  At para sa pinakaunang pagtatampok ng Brigada sa Fact or Fake, sisiyasatin natin ang katotohanan sa likod ng kumalat na social media post na nagkaroon daw ng meningococcemia outbreak sa ibat’t ibang lugar sa Metro Manila. Inalam ni Joseph Morong kung totoo nga ba o gawa-gawa lang ang kumalat na “meningo scare” online.

PANGAKO NG PITX

Walang dudang world-class ang bagong Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX, na may mga pasilidad na maaaring makipagsabayan sa mga modernong paliparan. 

Naglalayon itong maserbisyuhan ang mga commuter na bumibiyahe mula sa katimugang bahagi ng Metro Manila at kalapit na probinsya. 

Pero sa halip na ginhawa, malaing abala at perwisyo lang daw ang hatid nito hindi lang sa mga mananakay kundi pati sa mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan? Inalam ni Saleema Refran kung epektibo ang PITX  sa commuters.

 

PUNÓ NG BUHAY

Tinaguriang punó ng buhay buko dahil kapaki-pakinabang halos lahat ng bahagi nito, mula bunga, katawan ng puno, maging ang mga dahon nito.

Kaya naman ito rin ang ipinagdiriwang ng mga residente at magsasaka sa San Pablo, Laguna sa taunan nilang Coconut Festival. 

Pasasalamat na rin ito para sa biyayang hatid ng buko sa kanilang bayan. Sa kabila nito, hindi pa rin ligtas sa pagsubok ang industriya ng buko dahil sa nararanasan nilang peste sa kanilang mga pananim. Dumayo rito si JP Soriano para kumustahin ang kalagayan ng mga magsasaka ng buko sa San Pedro.