ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sec. Leila de Lima, in a relationship daw ngayon? Ang DOJ Sec, naka-one-on-one ni Boobay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang may tamang interview ang pinaunlakan ni Department of Justice Secretary Leila de Lima kay Boobay, isa sa mga host ng "May Tamang Balita." Hindi pinalampas ni Boobay ang pagkakataong tanungin ang kalihim tungkol sa personal nitong buhay. “Marami po ang naintriga nung aminin 'nyo na in a relationship kayo right now," sabi ni Boobay. "Question po: in two words or less, paano 'nyo po ide-describe ang inyong lovelife ngayon?” Inusisa rin ni Boobay kung ano ang sikreto ni Sec. de Lima kung kaya’t “fresh na fresh” ito.  May espesyal bang “moisturizer” na ginagamit si Madam? Naniniwala ba siya sa cosmetic surgery?

Walang gatol namang sinagot ng kalihim ang mga ibinabatong tanong ng nakakalokang host, maging ang mga seryosong tanong gaya ng napapabalitang pagkakapili rito bilang nominee sa puwesto ng Supreme Court Chief Justice. Kung mapili raw siya bilang appointee, wala raw siyang choice kung hindi magsabi ng “yes” sa pagkaka-nominate. Pero sa lahat ng inusisa ni Boobay, may isang tanong na hindi masagot si Secretary de Lima.  Ano kaya ito? Panoorin ang kakaibang interview: Mapapanood ang "May Tamang Balita" sa GMA News TV tuwing Huwebes alas diyes ng gabi. I-follow ang programa sa Twitter at Facebook. —Arla Fabella/CM, GMA News