Love story nina Taekwondo champions Japoy Lizardo at Janice Lagman, tampok sa 'Wagas'



Isa si Japoy Lizardo sa pinakasikat na Taekwondo Champion sa buong bansa at lalo pa siyang nakilala sa mga Sports Drink Commercials. Hindi niya sukat akalain na ang babaeng mamahalin niya habang buhay sa Taekwondo
niya rin matatagpuan.
Nagkakilala sina Japoy at Janice noong taong 2000. Nagsisimula pa lamang mag-aral ng Taekwondo si Janice noon habang sikat na si Japoy.
Naging magkaibigan ang dalawa dahil madalas na magkasama sa training at competitions. Sa loob ng labindalawang taong simpleng pagkakaibigan--- isang competition sa Korea ang ika nga'y “spark” na nagbago ng kanilang status mula “friends” to "lovers".

Isa sa mga pinakamabigat na pagsubok na pinagdaanan ng dalawa ay nang ma-disqualify si Japoy sa World Championships dahil sa isang matinding injury. Akala ni Japoy ay hindi na siya makakabalik sa Taekwondo pero si Janice ang naging lakas niya at buong pusong nag-alaga sa kanya.
Sabi ni Japoy, noong araw na sinabi niya sa kauna-unahang pagkakataon na mahal niya si Janice ay alam niyang siya na rin ang babaeng nais niyang makasama habang buhay. Nagpakasal ang dalawa nito lamang Mayo 8, 2016 sa Tagaytay City.
Abangan sina Louise de Los Reyes at Juancho Trivino na bibigyang buhay ang nakakakilig at nakakatuwang love story ng Taekwondo Champions na sina Japoy Lizardo at Janice Lagman ngayong Sabado, June 4, 2016 sa WAGAS 7PM sa GMANEWSTV !
