ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga bayani ng makabagong panahon, ibibida sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


BANTAY TO THE RESCUE

Sa panahon ng sakuna, malaking tulong ang naibibigay ng rescue dogs sa rescue and retrival operations. Kaya naman sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman… dinarayo ng ilan ang libreng training kung saan tinuturuan ang iba’t ibang breed ng mga aso pati na ang kanilang mga amo ng mga kailangang gawing hakbang sa panahon ng kalamidad. Balikan natin ang istoryang binantayan ng ating ka-Brigadang si Mav Gonzales.

 


SCOUT RANGERS

Sila ang ilan sa mga pinakamagagaling at pinakamatitinding miyembro ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas – ang First Scout Ranger Regiment ng Philippine Army. Dahil sa kanilang husay sa pakikidigma, inatasan silang manguna sa giyera sa Marawi para puksain ang teroristang Maute ISIS. Ang sikreto sa natatangi nilang gailng sa pakikipaglaban, nagmula sa metikuloso at matinding training na talaga namang susubok sa katatagan at kaisipan ng mga kadeteng nagnanais mapabilang sa elite force na ito. Sa isang araw na pagsama ni Marisol Abdurahman sa kanilang pagsasanay sa Camp Tecson sa Bulacan, personal niyang nasaksihan ang kakaibang antas disiplinang ipinamamalas ng kadeteng Scout Rangers sa kabila ng napakahirap na training.

 


RESCUE VOLUNTEERS

Sa lungsod ng Las Piñas, isang grupo ang nakahandang tumugon sa anumang oras na may tawag ng pangangailangan. Sila ang grupo nina army reservist Sgt. Neil Allan de Leon – isa lang sa napakaraming volunteer rescue groups na tumutulong sa mga kababayan nating nasa iba’t ibang emergency situation. At kahit pa nagtatrabaho sila na walang anumang kapalit na pera, patuloy pa rin sila sa kanilang misyon na makatulong para sa mga nangangailangan. Nasaksihan ni Jamie Santos kung paano ang isinasagawang pagtulong ng mga rescue volunteers ng Las Piñas.

English:

BANTAY TO THE RESCUE

Mav Gonzales revisits the training of canine heroes who help in the rescue and retrieval operations during calamities. The free training, held at the UP campus every Saturday, aims to teach dogs skills that will be useful in the event of disasters.

SCOUT RANGERS

Marisol Abduhraman looks into the training of one of the most elite groups of the Armed Forces of the Philippines --- The Fist Scout Ranger Regiment. Because of their exceptional combat skills, they are usually among the first to be deployed in major conflicts such as the war in Marawi.  Marisol joins the training of Scout Ranger cadets for a day at Camp Tecson in Bulacan to see what the cadets go through before becoming part of the country’s elite force.

RESCUE VOLUNTEERS

In Las Piñas City, a group of rescuers are on standby 24/7 to respond to emergency calls. They are the group of army reservist Sgt. Neil Allan de Leon – one of the many volunteer rescue groups who help in emergency situations. Jamie Santos gets to know some of volunteers of Las Piñas who are ready to serve without expecting anything in return.