Mga nakahiligan ng ilang chikiting ngayong pandemya, tampok sa ‘Family Time’!

Family Time
Kahit Ano Hilig Mo, I Got You, Anak!
October 23, 2020
Isang magandang naidulot ng pandemiya ang family time ng mga pamilya. Dahil dito, nadiskubre ng mga magulang ang mga talent ng kanilang chikiting!



Kagaya lamang nila Mama Maylene at Bela. Certified Tiktokerist ang 3-year-old na si Bela. Kahit pagsasayaw o pag-aarte ang ginagawa niya, sure hit sa marami ang videos ni Bela. Nagsimula sa walang magawa ngayong quarantine ang kanilang pagsali sa TikTok. Pero ngayon, libangan na nilang mag-ina.



Libangan naman ng Maximo Kids ang pagsali sa Motocross. Hindi babata sa 11 years old ang mga anak nila Papa Alfred at Mama Ella. Lahat sila, may hilig sa Motocross. Sa katunayan, madalas pa silang manalo sa competition. Kahit hindi pangkaraniwan ang hilig ng mga anak nila, all out support pa rin ang mga magulang.


Ang batang tattoo artist na si Aniel, namana ang hilig niya sa pag-tatattoo sa kanyang Papa Reniel. Nakakabilib ang talento ni Aniel at umabot pa na siya ang kaisa-isahang batang sumali sa isang tattoo competition. Siya pa ang nanalo, akalain niyo yun?

Samantala, tatlong taong gulang pa lang si Airek pero kabisado na niya ang mga misteryo ng Rosary! Hindi lang iyan, maituturing din siyang bibo kid of all time dahil sa kanyang kasiyahan on and off camera.
Pati si Papa Drew may napapansing kakaibang hilig sa kanyang chikiting na si Leon! Ano kaya ang kinahihiligan ni Leon na libangan ngayong quarantine?
Abangan lahat iyan at iba pa ngayong Biyernes 915pm dahil Family Time is the best time!
(English)
A 3-year-old viral sensation borne out of quarantine, another 3-year-old who knows the mysteries of the Rosary by heart and a certified kid tattoo artist, meet these awesome kids and their supportive parents. Talented kids shine this Friday, 915pm because Family Time is the best time!