Sibing love, tampok sa ‘Family Time’ ngayong Biyernes!

Family Time
Sibling Love
October 30, 2020
Puwedeng best friend. Puwedeng worst enemy. Pero kahit anong mangyari, walang tatalo sa samahan ng magkakapatid.



Kagaya lamang nila Jann at Jea na sumikat sa isang viral post. Bago pumasok para sa kanyang college entrance exam, bawal pala ang suot-suot na palda ni Jea. Hindi nagdalawang isip si Jann at agad-agad hinubad ang kanyang pantalon para maisuot ng kapatid. Kahit pinagtitinginan ng mga tao habang suot ni Jann ang palda ni Jea, hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya. Iyan ang tunay na pagmamahal!


Teamwork naman ang kuwento ng magkakapatid na sina Ella, Diane, Neil at Shiela. Nang magsimula ang pandemiya, kinailangan nilang tulungan ang kanilang magulang sa araw-araw na gastusin. Lahat sila pumasok sa iba’t ibang raket para may maidagdag na kita. Sa katunayan, ang bunsong si Shiela na 15 taong gulang, naglalako ng meryenda.

Paano naman kapag maagang naulila ang magkakapatid? Para kina Andrew, sila ng kapatid niya ang tumayong magulang para sa nakababata nilang kapatid. Sa pamamagitan ng kanyang talento sa pag-drawing, may dagdag kita si Andrew para sa kanilang pag-aaral. Makikilala rin niya si Mr. Chink Positive upang maibahagi ang ilang words of wisdom.

Solid din ang samahan ni Drew at ng kanyang mga kapatid. Alamin ang special bond niya sa bawat isa sa mga kapatid niya!
Kilalanin ang mga pamilya na tunay nga namang ipinapakita ang sibling love ngayong Biyernes 915pm dahil Family Time is the best time!
(English)
Do you go through great lengths for your siblings? Jann of Cebu endured embarrassment when he leant his pants to his sister Jea so that she is in the proper attire for her college exam. He ended up going home in her skirt. Meanwhile, Andrew taught himself to draw in order to have an alternative income for him and his siblings. Lastly, 15-year-old Shiela peddles afternoon snacks as her way to help out her brother and sisters. Sibling love is in the spotlight this Friday, 915pm because Family Time is the best time!