Final episode ng ‘Family Time’, ngayong Biyernes na!

Family Time
Family Time is Always the Best Time
November 6, 2020
Sa huling episode ng Family Time, tampok ang mga kuwentong nagpakilig, nagpaiyak at nagpasaya sa atin sa panahon ng pandemiya.
Siyempre, nariyan ang pamilyang Arellano! Isang heartwarming na kwentuhan kasama sina Papa Drew at Mama Iya. Kasama sa ibabahagi nila ang pagbabago na naranasan dahil sa family time.



Samantala, kumusta na kaya ang bibo kids na nakilala natin? Kahit nagsimula na ang online classes, bibo kid pa rin ang little biyahero nating si Cibo! Ang binatang karpintero na si Eir, ibang level ang time management. Karir pa rin sa paggawa ng furniture habang nag-aaral. Si Pio na brave warrior, kabilib-bilib din dahil ipinagsasabay ang pag-aaral at pagpipinta. Isang tunay na inspirasyon!
_2020_11_06_09_45_08.png)

Naalala niyo ba ang kakaibang diskarte ng mga Papa? D-I-Y pool ni Papa Jojo, naging dagat na! Napasyal niya lang naman ang mga chikiting sa dagat. Habang si Papa Gali, hindi pa natigil sa kanyang dad hacks. Nakaisip pa siya ng iba pang makakatulong sa iba pang mga magulang!

Kumusta naman ang pandemic baby nila Mama Agot at Papa James? Nanganak ngayong pandemiya kaya may 2-month-old baby na sa kanilang bahay. Chikahang newborn sila ni Papa Drew!
_2020_11_06_09_43_20.png)
At, sino ang hindi makakalimot sa storya ng OFW na si Papa Abu? Inabutan ng lockdown sa Dubai, nawalan ng trabaho, natagalan sa pag-uwi sa Pilipinas at nang makauwi hindi nakilala ng kanyang anak. Nakabuo na kaya sila ni Baby Ameer ng special bond?
Mga kuwentong iyan at marami pang iba ngayong Biyernes 915pm dahil Family Time is always the best time!
(English)
For the last episode of Family Time, we remember the touching stories that came about during this pandemic. Drew touches base with parents of a pandemic baby and OFW Papa Abu and his Baby Ameer. With online classes underway, how are the talented kids such as Eir, our young carpenter, coping? Lastly, Drew invites Iya for a heart to heart talk about their learnings for the past few months. All this and more on Friday, 915pm because Family Time is always the best time!