ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Hamon cooking battle, magaganap sa 'Day Off'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang tulog na lang, Pasko na! Walang duda, isa ito sa pinakaespesyal na araw para sa ating mga Pinoy. Sabi nga nila, ang Pilipinas daw ang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko! Kaya naman kahit Nobyembre pa lang, super in-demand na ang star of our noche buena---ang hamon!

Ngayong Sabado, tiyak na mapapasabak sa mga hamon sa paggawa ng hamon sina Julie Anne at Dasuri dahil sa dami ng prosesong kailangan nilang pagdaanan. Kayanin kaya nilang gumawa ng 'Pear Shaped' at 'Muscle' ham tulad ng ating "Day Off" winner na si Ronel Arojo?

Abangan din ang cooking battle nila para malaman kung sino ang mas bida sa pagluluto ng dish gamit ang hamon. Kanino kayang obra ang makakuha ng "PWEDE" o "PWE?"

Samantala, tutuparin naman ni Maey Bautista ang Christmas wish ni Ronel na maka-bonding ang kaniyang kakambal na si Rodel sa Bohol. Siguradong maso-sorpresa ang kambal dahil sa bonggang accommodation, sumptuous meal, land and aqua tours at fun-filled activities na kanilang mararanasan to start this long Christmas celebration.

Kaya kung kasiyahan, relaxation at experience na hindi malilimutan ang inyong hanap, huwag nang magpahuli, tumutok lang lagi sa show na laging trending tuwing Sabado ng gabi, "DAY OFF!"

Tags: prstory