Filtered By: Newstv
NewsTV

Dasuri Choi, bibigyan ng bonggang 'Day Off' sa Korea


 

 

DAY OFF
JEJU ISLAND, SOUTH KOREA PART 2

Anyohaseyo! Kung noong isang linggo, mga Korean dish ang bida sa Day Off, tatagaktak naman ang pawis natin ngayon sa Korean KPOP Dance! Mula sa pagiging chef ay ibang aura naman ang ipakikita ng katropang si Maey Bautista sa pagiging KPOP dance instructor na trabaho ni Dasuri Choi. Tumpak! Si Dasuri ang napiling Day Off winner ngayong lingo sa Jeju Island! Makakasama ni Dasuri ang isa pang paandar sa pagsayaw, ang hot celebrity momma na si LJ Reyes.

Mukhang mapapalaban sina Maey at LJ sa hiphop moves at sexy girl steps na kailangan nilang ituro sa mga estudyante. Madalas daw gumawa ng video ang dance group ni Dasuri at ito ang susubukan ng dalawa. Mag-viral kaya ang gagawin nilang dance video?

Hindi pa rin tapos ang unli-pasyal at eat-all-you-can nina Pekto at ng Day Off winners na sina Dasuri at Korean Cuisine Chef na si Edwin Dulay sa Jeju Island, South Korea. Magpapaka-kikay muna sila sa paglibot sa Hello Kitty Island. Papasyalan nila ang pinakamalaking theme park sa Jeju ang Tropical Hallim park at makakapag-selfie sa mga bulaklak sa Gasiri Canola Flower Plaza. Makikipagkulitan din si Dasuri sa performing group na "The Painters" sa isang art performance nila. At siyempre hindi nila pinalampas na mapuntahan ang isa sa New 7 Wonders of Nature, ang Sunrise Peak. Sa dami ng kanilang pinaglamyerdahan, marami na kaya silang natutunan na Korean words?

Dibdibang  showdown ang magaganap sa dance floor ngayong Sabado kaya huwag palalampasin ang Day Off, 6:15 ng gabi sa GMA News TV!