ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Buhay ng isang magtataho, susubukan nina Petite at Tetay sa 'Day Off'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Day Off : Magtataho

Saturday, May 28, 2016

GMA News TV

Tahoooo!"

Sino ba naman ang hindi mapapabangon at mae-eexcite sa tuwing naririnig ito sa umaga? Ang isa sa all-time favorite agahan at merienda ng mga Pinoy na taho, matitikman ngayong Sabado sa Day Off!

Kilalanin ang taho vendor na si Tatay Emong na dahil sa 24 oras na kasipagan ay inirekomenda mismo ng kanyang anak sa Facebook account ng Day Off. Mas pasasayahin din ang episode ni Louis na trending ngayon sa social media dahil sa sarili niyang dance steps to the tune of the 24 Oras theme song! Ang magiging taho vendors for a day, ang mga komedyanteng sina Petite at Tetay para talaga namang hayahay ang buhay ni Tatay!

Isang masayang pahinga ang mararanasan niya sa La Union kasama ng kaniyang pamilya at Day Off host na si Dasuri Choi! Hindi lang dagat ang kaniyang ma-eenjoy dito dahil ipararanas din sa kanya ang iba't ibang activities at masasarap na pagkain!

Isang masaya't nakaaantig na episode ang dapat abangan ngayong Sabado sa Day Off, 6:10 PM sa GMA News TV!

Tags: plug