ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Dasuri Choi at Dyosa Pockoh, maglalako ng siomai sa 'Day Off'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Day Off

‘Mang Kayo-Kayo’ Synopsis

Mapa-burger, siomai at iba pang merienda, walang pagod sa pagsigaw at pagtitinda ang taga Muntinlupa City na si Tatay Arnulfo Ramos o mas kilala sa tawag na Mang Kayo Kayo sa kanyang mga suki. Bakit nga ba ’Mang Kayo Kayo’ ang tawag sa ating winner for this week?

Umulan man o umaraw, todo kayod si Mang Kayo Kayo para igapang ang pag-aaral sa kolehiyo ng anak niyang si Love. At ngayong nakapagtapos na si Love sa kolehiyo, isang madamdaming status ang ipinost niya sa social media na naging viral at umani ng 80,000 likes at 3,700 shares! Dahil din sa post na ito, napansin ng Day Off ang kahanga-hangang sipag ni Tatay Arnulfo.

Para sa isang ulirang ama ngayong buwan ng mga tatay, karapat-dapat lang na bigyan siya ng pahingang deserve na deserve niya. Ang tinaguriang “Mang Kayo Kayo”, mapapa- “Ako naman” para sa isang bonggang bonggang Day Off kasama si Maey Bautista. Hindi kailangang problemahin ang maiiwan niyang mga paninda dahil sina Dasuri Choi at Dyosa Pockoh na ang bahala riyan.

Abangan ang aming mga surpresa at pakulo ngayong Sabado sa Day Off, 6:10PM sa GMA News TV.

Tags: plug