ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tindera ng puto bumbong at bibingka, bibigyan ng 'Day Off'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Lasapin ang sarap ng pasko sa mainit at masarap na kakaning tampok sa Day Off ngayong Sabado!

Tikman ang espesyal na puto bumbong at bibingka ng Day Off winner nating si Mama Cita Lapidario!

Nobyembre pa lang daw ay pinipilahan na sa Orense Street, Makati ang mga paninda ni Mama Cita. Subok na raw kase sa mga customer ang pagkaing 20 years na niyang niluluto at binebenta!

Ngayong Sabado, papalitan siya sa trabaho ni Ken Chan para siya naman ang makapag-day off!

Maging challenging kaya para kay Ken ang paggawa ng puto bumbong at bibingka sa tradisyunal na paraan. Makayanan kaya niya ang usok, init at paso? Abangan din ang bentahan portion dahil maraming demanding customers ang susubok sa kaniyang pasensya!

Samantala, para mas ma-feel ang Christmas breeze, magchi-chill muna si Mama Cita kasama si Janine Gutierrez sa Tagaytay City. May maagang reunion with family din siya sa isang pasyalan na winter wonderland ang tema at kung saan may snow?! At hindi pa man pasko ay magno-Noche Buena na rin ang buong pamilya ni Mama Cita na may kasunod na gift giving pa! Anu-ano pa kaya ang mga regalong matatanggap ng ating generous Day Off winner?

Damang dama na ang Pasko sa Day Off ngayong Sabado, 6:15PM, sa GMA News TV!

Tags: dayoff