ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Street sweeper sa Quiapo, bibigyan ng 'Day Off'



Sa dagsa ng mga taong nagpupunta sa Quiapo Church araw-araw lalo na tuwing Biyernes at Pista ng Itim na Nazareno, hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga street sweeper gaya ni Lourdes San Jose na labinlimang taon nang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatiling malinis ang kapaligiran ng simbahan.

Si Ken Chan muna ang magwawalis at maghahakot ng basura para si Aling Lourdes ay makapag-day off naman!

Bukod sa mga kalye, matotoka rin si Ken sa paglilinis sa harapan ng simbahan. Maging masipag at metikulosong street sweeper kaya ang ating katropa?

Panata na ng Day Off ang magbigay ng bonggang pahinga kaya naman sa episode na ito, maglalakwatsa si Aling Lourdes at kanyang pamilya sa isang Greek-inspired resort sa Los Baños, Laguna! Dito, ang Katropa naman nating si Dasuri Choi ang kanyang makakasama!

Ang family bonding na pinapangarap ni Aling Lourdes, matutupad na! Siya ang parating nagluluto para sa mga anak pero this time, siya naman ang kanilang pagsisilbihan!

May pasalubong shopping, relaxing massage at Korean food experience pa na kasama sa sorpresa! Biyaya at saya ang aapaw sa Day Off ngayong Sabado, 6:15 PM, sa GMA News TV.

Tags: dayoff