ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kotse ni Sam Pinto, closet ni Kitchie, at usapang undergarments sa Fashbook


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kotse ni Sam Pinto, closet ni Kitchie Nadal, at usapang underwear sa Fashbook    

Ngayong Miyerkules, makakasama ng Fashbook ang pinaka-seksing babae sa Pilipinas na si Sam Pinto sa isang kakaibang road trip. Sa kauna-unahang pagkakataon, ipapakita ni Sam ang nilalaman ng kanyang kotse. Kabilang na rito ang kanyang paboritong shades, gadgets at accessories na hindi pu-puwedeng mawala sa bawat biyahe niya. Ipapakita din ni Sam ang ilang damit at kagamitan na madalas niyang isinusuot sa mga showbiz event.  

Susugod din ang Fashbook sa bahay ng rock princess at matagal na nating na-miss na si Kitchie Nadal para silipin ang kanyang closet. Malalaman na ang tunay na style ni Kitchie: Rock and roll din ba ang kanyang porma off-stage o baka naman may pagka-kikay din ang female rock star. Masisilayan din ang scarves at iba pang fashion items na binili pa ni Kitchie sa ibang bansa. Siyempre, ipapakita rin niya ang kinaiingat-ingatan niyang mga gamit sa kuwarto niya, ang kanyang koleksyon ng mga gitara.    

At sa S-List naman o Solenn’s List, abangan ang undergarments special! Ang mga girdle na dating tinatago kapag sinusuot, pwedeng-pwede nang irampa!  

Lahat ng ‘yan mapapanood ngayong Miyerkules, November 21, 10pm pagkatapos ng SONA sa GMA NewsTV.