ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Susugod ang Fashbook sa closet ni Jon Santos at sa mga kakaibang weddings!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Susugod ang Fashbook sa closet ni Jon Santos at sa mga kakaibang weddings! Airing: December 12, 2012 Ngayong Miyerkules, susugurin ng Fashbook ang closet ng komedyanteng si Jon Santos. Ilan lang sa na-diskubre ng Fashbook ay ang kanyang hilig sa training pants, jogging pants at iba’t ibang outfit pang-gym na madalas niyang gamitin sa kanyang rehearsals. Makikita rin ang kanyang wigs, dresses, at accessories na ginagamit ni Jon sa kanyang trabaho bilang impersonator. Game na game din siya na ipinakita ang kanyang impersonation sa mga kilalang celebrities tulad nina Gov. Vilma Santos, Apl. De. Ap., at Sen. Miriam Defensor-Santiago.
 
Mapapanood din ngayong Miyerkules ang mga kakaibang wedding motif ng ilang celebrities.
Kasama ang “Hello Kitty” themed wedding ng DJ na si Nicole Hyala at ang sinuot na red wedding gown ni Regine Velasquez na ginawa ng sikat na fashion designer na si Monique Lhuillier. May tips naman ang fashion designer na si Frederick Peralta sa tamang pagpili ng wedding gowns at outfits. At para sa mga budget conscious, may na-discover ang Fashbook team na isang kalye sa Baclaran kung saan naka-display at makakabili ng mura, pero magagandang wedding gowns.
 
Sa segment na “S-List”, ituturo naman ng Fashbook host na si Solenn Heussaff ang do’s and don’ts sa pagpili ng belts. May tamang disenyo at style daw ng belt na nababagay sa iba’t ibang klase ng kasuotan.
 
Mapapanood ang Fashbook sa Miyerkules, 10 PM, pagkatapos ng SONA sa GMA News TV.