ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Sugod-closet ni John Lapus at fashion tips ni Victor Basa, tampok sa Fashbook
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sugod-closet ni John Lapus at fashion tips ni Victor Basa, tampok sa 'Fashbook'
Airing Date: Jan. 9, 2013
Ngayong Miyerkules, susugurin ng Fashbook ang makulay na closet ng komedyanteng si John Lapus! Bukod sa pagiging komedyante at host, kilala rin si John sa isa sa pinaka-maraming kaibigang celebrity sa showbiz. Ilan lang sa mga kaibigan niya ay sina Kris Aquino, Marian Rivera at ang Fashbook host na si Solenn Heussaff. Sa pagsugod ng Fashbook sa closet ni John, ipapakita niya hindi lang ang mga damit at gamit na naipundar na niya sa showbiz kung hindi pati ang mga mamahaling regalo sa kanya ng kanyang mga celebrity friends. Ilan lang sa mga ito ay ang Kenneth Cobonpue ottoman na bigay sa kanya ni Kris at ang branded bag na galing naman kay Solenn.
Bukod sa closet ni John, aalamin din ng Fashbook ang sikreto sa pagiging maporma at sexy ng modelo at actor na si Victor Basa. Maliban sa kanyang mga kasuotan at gamit na ipapakita niya, magbibigay din ng tips si Victor kung paano maging fashionable ang mga Pilipinong lalaki. Sa S-List naman, ipapakita ni Solenn ang mga porma, kulay, at accessories na mauuso ngayong 2013.
Mapapanood ang Fashbook tuwing Miyerkules, 10 pm, pagkatapos ng SONA sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular