ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
M-Pick: Anong laman ng kikay kit ni Maxene Magalona?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Anong laman ng kikay kit ni Maxene Magalona? Habang nagbabakasyon ang Fashbook host na si Solenn Heussaff, humalili muna sa kanya ang actress at fashionista na si Maxene Magalona! At kung si Solenn may S-List, si Maxene naman, may M-Picks. Ipinakita sa atin ni Maxene ang laman ng kanyang kikay kit at ang beauty products na ginagamit niya araw-araw para maging “extra beautiful.” M-Pick #1: Lotion
Gumagamit ng lotion si Maxene para mapanatiling malambot at mabango ang kanyang balat. ‘Falling In Love’ by Philosophy ang paboritong lotion brand ni Maxene dahil sa mabangong amoy nito. “Para akong laging bagong ligo,” sabi ni Maxine. M-Pick #2: Concealer
Hindi mahilig maglagay ng maraming make-up si Maxene – concealer lang ang lagi niyang ginagamit. Ang payo niya sa pagpili ng concealer: “Kailangan (ang) concealer na gamitin natin, one shade lighter than our own (skin) tone.” M-Pick #3: Face Powder
Paalala ni Maxene, sa tuwing bibili ng make-up: “[Tanungin] ‘yung specialists sa store kung ano ba ‘yung babagay sa color mo at sa shade mo.” Dagdag pa niya, huwag bumili ng make-up dahil lang sikat ang brand nito. Importanteng hanapin ang brand ng face powder na babagay sa iyong balat. M-Pick #4: Make-up brush set
Hindi pwedeng mawala sa beauty kit ni Maxene ang kanyang mga make-up brush. Mahigit 15 iba’t ibang brush ang ginagamit ni Maxene depende sa klase ng make-up na inilalagay niya. Sabi ni Maxene, “Any make-up brush set will do but make sure to clean your brushes from time to time.” M-Pick #5: Eyebrow grooming set
Para kay Maxene, importanteng malinis at maayos lagi ang mga kilay. “Lingering” from Mac ang brand ng eyebrow crayon na ginagamit ni Maxene para guhitan ang kanyang kilay. Pagkatapos niyang guhitan ang kilay, nilalagyan niya ito ng brow gel na “Beguile” ang brand. Payo ni Maxene, dapat kakulay ng iyong buhok ang brow crayon at brow gel na gagamitin mo. “Dapat alam mo kung anong shade mo palagi.” M-Pick #6: Blush
Paboritong blush ni Maxene ang “Bella Bamba” na gawa ng make-up brand na Benefit. May sarili na itong brush at salamin, kaya hassle-free dalhin. Magkahalong pink at orange na may “subtle shimmer” ang kulay nito. M-Pick #7: Lipstick
“To finish your look, siyempre maglagay ka ng lipstick,” payo ni Maxene. Paborito niyang shade ng lipstick ang “Please Me” na gawa ng Mac. “Matte” ang tawag sa klase ng lipstick na ito na mukhang natural at hindi makintab. Ang panghuling payo ni Maxene, “Don’t put too much make-up. It’s always better to be simple, (and just) enhance your features. Magpa-cute ka lang ng konti, that’s the best thing to do.”, -Grace Gaddi, CM/PF, GMA News
Gumagamit ng lotion si Maxene para mapanatiling malambot at mabango ang kanyang balat. ‘Falling In Love’ by Philosophy ang paboritong lotion brand ni Maxene dahil sa mabangong amoy nito. “Para akong laging bagong ligo,” sabi ni Maxine. M-Pick #2: Concealer
Hindi mahilig maglagay ng maraming make-up si Maxene – concealer lang ang lagi niyang ginagamit. Ang payo niya sa pagpili ng concealer: “Kailangan (ang) concealer na gamitin natin, one shade lighter than our own (skin) tone.” M-Pick #3: Face Powder
Paalala ni Maxene, sa tuwing bibili ng make-up: “[Tanungin] ‘yung specialists sa store kung ano ba ‘yung babagay sa color mo at sa shade mo.” Dagdag pa niya, huwag bumili ng make-up dahil lang sikat ang brand nito. Importanteng hanapin ang brand ng face powder na babagay sa iyong balat. M-Pick #4: Make-up brush set
Hindi pwedeng mawala sa beauty kit ni Maxene ang kanyang mga make-up brush. Mahigit 15 iba’t ibang brush ang ginagamit ni Maxene depende sa klase ng make-up na inilalagay niya. Sabi ni Maxene, “Any make-up brush set will do but make sure to clean your brushes from time to time.” M-Pick #5: Eyebrow grooming set
Para kay Maxene, importanteng malinis at maayos lagi ang mga kilay. “Lingering” from Mac ang brand ng eyebrow crayon na ginagamit ni Maxene para guhitan ang kanyang kilay. Pagkatapos niyang guhitan ang kilay, nilalagyan niya ito ng brow gel na “Beguile” ang brand. Payo ni Maxene, dapat kakulay ng iyong buhok ang brow crayon at brow gel na gagamitin mo. “Dapat alam mo kung anong shade mo palagi.” M-Pick #6: Blush
Paboritong blush ni Maxene ang “Bella Bamba” na gawa ng make-up brand na Benefit. May sarili na itong brush at salamin, kaya hassle-free dalhin. Magkahalong pink at orange na may “subtle shimmer” ang kulay nito. M-Pick #7: Lipstick
“To finish your look, siyempre maglagay ka ng lipstick,” payo ni Maxene. Paborito niyang shade ng lipstick ang “Please Me” na gawa ng Mac. “Matte” ang tawag sa klase ng lipstick na ito na mukhang natural at hindi makintab. Ang panghuling payo ni Maxene, “Don’t put too much make-up. It’s always better to be simple, (and just) enhance your features. Magpa-cute ka lang ng konti, that’s the best thing to do.”, -Grace Gaddi, CM/PF, GMA News More Videos
Most Popular