ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
The independent Ryza Cenon on 'Follow That Star'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
FOLLOW THAT STAR: RYZA CENON Airing date: January 21, 2012 Paano nga ba mabuhay ang mga sikat? Sino ba sila kapag wala na ang camera? Ngayong Sabado sa Follow That Star, mas kilalanin ang Kapuso Star na si Ryza Cenon. Una siyang nakilala nang manalo siya bilang Ultimate Starstruck Survivor sa isang talent search sa GMA 7, ang Starstruck Season 2. Sa ngayon, maraming pinagkakaabalahang proyekto si Ryza. Bukod sa kanyang bagong teleserye at mga TV guesting, isang indie film tungkol sa mga Overseas Filipino Workers ang ginagawa niya. Tinutukan ng Follow That Star si Ryza sa lahat ng kanyang mga lakad hanggang sa Gapan, Nueva Ecija kung saan siya lumaki. Ulila na sa nanay si Ryza kaya ang kanyang Lola Aida at Lola Luz ang tumatayong pangalawang magulang na nagpalaki sa kanya. Dating nagmamay-ari ng isang Filipino restaurant ang mga lola ni Ryza. Ang kanyang nanay naman daw ay kilala na magaling mag-bake kaya naman hindi raw nakakapagtaka na hilig din niya ang pagluluto. Sa katunayan, pangarap din niya na magkaroon ng sariling restaurant balang araw. Dito sa Maynila, ipapakita ni Ryza ang inuupahang condo. Mag-isa lang siya sa kanyang munting paraiso kasama ang kanyang dalawang alagang aso. Sa edad na 24, very independent na raw si Ryza. Sundan ang exciting na buhay ni Ryza Cenon sa Follow That Star, Sabado, 7:55PM sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular