ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Follow That Star: Lexi Fernandez and Joyce Ching
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
FOLLOW THAT STAR LEXI FERNANDEZ at JOYCE CHING
Airing date: June 23, 2012
Soul sisters, ganyan kung ituring ng Kapuso stars na sina Lexi Fernandez at Joyce Ching ang isa’t isa. Nagsimula raw ang kanilang pagkakaibigan sa taping ng programang Tween Hearts. Sa umpisa, hindi raw agad nag-click ang dalawa. Dahil kontrabida ang role ni Lexi, akala ni Joyce na masungit talaga ang dalaga. Pero, nang makapag usap, natuklasan nila na magkaparehas pala sila ng ugali. Masayahin, mabait at makulit. Natuklasan din nila na bukod sa kanilang ugali, parehas din sila ng birthday, January 5, 1995. Ito raw ng dahilan kung bakit tinawag nila ang isa’t isa na soul sisters.
Anak si Lexi ng batikang kontrabida actress na si Maritoni Fernandez. Dahil kalimitang kasama si Lexi sa mga taping ng kanyang mommy, nangarap din siya na pumasok sa showbiz. Pero sa umpisa, tutol ang kanyang mommy Maritoni sa gusto ng anak. Ayaw niya raw kasi na mapabayaan ni Lexi ang kanyang pag-aaral. Pero dahil mapilit si Lexi, pinayagan na rin siya ni Maritoni.
Sabi nga nila, kung ano ang puno, siya rin ang bunga, kaya hindi na raw nakakapagtaka na kontrabida roles ang mapunta kay Lexi. Bukod sa palagi napapanood ni Lexi ang kanyang mommy sa mga shooting, binibigyan din siya ng tips sa pag-arte. Proud na proud si mommy Maritoni kay Lexi dahil sa maigising panahon niya sa showbiz ay marami na siyang naging proyekto. Bukod sa Tween Hearts, lumabas na rin siya sa pelikulang The Road. At kahit na puno ang kanyang schedule, tinutupad pa rin niya ang pangako na hindi mapabayaan ang pag- aaral. Tuwing walang taping, may homestudy program si Lexi.
Tulad ni Lexi, bata pa lang ay hilig din ni Joyce ang mag-artista. Dahil sa kanyang pagsisikap na mag-audition, natanggap siya sa comedy sitcom na pang bata. Pero ang pinakamalaking break ni Joyce ay ang mapabilang sa Tween Hearts.
Malaking tulong kay Joyce at sa kanyang pamilya ang pagpasok niya sa showbiz dahil ang ilan sa kanyang kinikita, idinagdag niya para makakuha sila ng sariling condo.. Nakapagtapos ng highschool si Joyce. At ngayong college na siya, kumuha siya ng kursong culinary arts. Pangarap daw niya na makapagpatayo ng sariling restaurant balang araw. Ipakikita ni Joyce kung saan siya nag-aaral ng culinary at kung gaano kasaya ang magluto!
Ang buhay sa harap at likod ng camera nina Joyce Ching at Lexi Fernandez sa Follow That Star, Sabado, 7:55PM sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular