ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Follow That Star: Isabel Oli
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
FOLLOW THAT STAR: ISABEL OLI
Airing date: September 22, 2012 

Bata pa lang siya, pangarap na niya ang mag-artista. Pero lagi raw siyang bigo at luhaan, hanggang isang commercial kasama si Piolo Pascual ang nagpabago ng kanyang buhay. Ngayon, hindi lang bida sa telenovela si Isabel Oli pati hosting pinasok na rin niya.
Bukod sa soap opera ng GMA 7 na Faithfully, abala si Isabel bilang host ng dalawang programa sa GMA News TV: ang Day Off at Sports Pilipinas. Ngayong Sabado sa Follow That Star, abangan ang buhay ni Isabel Oli sa harap at likod ng camera.
Puno ang schedule ni Isabel araw-araw pero hindi raw siya nawawalan ng oras sa kanyang mga alaga, ang kanyang chihuahua at french bulldog na sina Eveanne at Maria. Siyempre, priority din sa kanyang schedule ang pagpapaganda. Bukod sa pagpunta sa gym, suki rin si Isabel ng isang treatment na nagpapaganda ng kanyang katawan, effortless daw kasi nakahiga lang siya.
"Yoyo" ang tawag ni Isabel sa kanyang mga avid fans na itinuturing na niyang mga kaibigan. May puwang din daw sila sa kanyang schedule. Sa katunayan, nililibre pa niya ang mga "Yoyo" sa gimik.
Sagrado naman ang araw ng Linggo kay Isabel, oras niya raw ito para sa Diyos at sa kanyang pamilya. Nakunan ng Follow That Star habang nasa praise and worship siya sa Victory Christian Fellowship. Active raw dito si Isabel, punong-puno raw ng pasasalamat ang puso niya sa lahat ng magandang nangyayari sa buhay niya. Pagkatapos ng church service, bonding naman kasama ang buong pamilya pati ang mga cute niyang pamangkin ang bumubuo sa buong linggo ni Isabel.
Abangan ang mga sikreto ni Isabel sa pagpapaganda at pagbalanse ng kanyang buhay araw-araw. Kilalanin din ang mga importanteng tao sa buhay niya. Mapapanood ang buhay ni Isabel Oli sa Follow That Star, Sabado, ika-walo ng gabi sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular