ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Follow That Star: Glaiza de Castro


FOLLOW THAT STAR: GLAIZA DE CASTRO
Airing date: October 20, 2012
 
Dose anyos pa lang si Glaiza nang makilala siya ng isang talent agent sa kanilang lugar sa Valenzuela. Kung saan-saan daw sila nagpunta para mag-audition, hanggang sa magbunga ang kanyang pagsisikap nang mabigyan ng break bilang Kapuso. Bukod sa kanyang magandang mukha, naging bentahe ni Glaiza ang kanyang talento sa pag-arte bilang kontrabida. Kaya naman nagkaroon siya ng kanyang big break sa fantaserye na Grazilda kung saan siya mismo ang bida.
 
Sa ngayon, masusubukan ang galing ni Glaiza muli bilang kontrabida sa pinakabagong teleserye ng GMA, ang remake ng koreanovelang Temptation of Wife kung saan kasama niya si Marian Rivera.
 
Bukod sa pag-arte, isa ring singer si Glaiza. Siya ang vocalist ng bandang Kagawasan. Rakista raw siya at kalimitang mga alternative songs ang kinakanta niya. Siya rin daw mismo ang nagsusulat ng mga tinutugtog ng banda niya.   
 
Pero bukod sa pag-aartista at pagkanta, sinusubukan ni Glaiza na maging balanse ang kanyang buhay. Tuwing Linggo ay sinisigurado niya na nakakadalo siya sa kanilang church service. Pagkatapos nito, quality time naman kasama ang kanyang pamilya.  Jamming kasama ang kanyang nanay at tatay. Maka-lolo rin daw si Glaiza, sa katunayan, siya   mismo ang sumusuporta sa lahat ng pinansyal na pangangailangan  ng kanyang pinakamamahal na lolo.
 
Kilalanin si Glaiza de Castro sa Follow That Star ngayong Sabado, 8:00 PM sa GMA News TV.
Tags: plug