ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
UAAP stars Kiefer Ravena, Jeric Fortuna on 'Follow That Star'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
FOLLOW THAT STAR Rematch nina Kiefer Ravena at Jeric Fortuna!
Airing date: October 27, 2012
Katatapos lang ng UAAP Basketball Championship at nakuha na ng koponan ng Ateneo Blue Eagles ang titulong 3 time over-all champion. Pero tuloy pa rin ang banggaan ng star players ng Ateneo at UST na sina Kiefer Ravena at Jeric Fortuna ngayong Sabado sa Follow That Star.
Galing sa pamilya ng atleta ang Ateneo Blue Eagles point guard na si Kiefer Ravena. Namana raw ni Kiefer ang galing sa basketball sa kanyang daddy na si Bong Ravena na isa rin sa mahuhusay na basketbolista sa PBA. Ang kanyang mommy na si Mozzy Ravena naman varsity player ng UST volleyball team.
Sa edad na 13, nakikipagsabayan na raw siya sa players ng kanilang koponan, magaling mag-set ng play at mag-assist sa kanyang mga ka-teammate, kaya naman tinawag siyang “The Phenom” ng kanilang koponan.
Dahil sa mga exposure na binigay sa kanya ng UAAP, mas nakilala si Kiefer at nabigyan pa ng break at naging commercial model ng iba’t ibang produkto. Ang latest endorsement ni Kiefer ay sa isang photography website. Sa presscon nito, na-corner pa siya sa tanong tungkol sa kanyang lovelife. Mabait, matalino at malambing na girl ang makaka-three points sa puso niya. Pero dahil 18 years old pa lang siya, mas inuuna raw niya ang pag-aaral at paglalaro ng basketball.
Malapit naman sa pamilya ang Captain ball ng UST Growling Tigers na si Jeric Fortuna. Bilang panganay na anak , naging magandang ehemplo si Jeric para sa kanyang mga kapatid. Nakaya ni Jeric na i-dribble ang pag-aaral ng Marketing at paglalaro ng basketball dahil sa disiplina. Dahil sa kanyang pagsisikap, graduating student na siya sa isang taon.
Aminado naman si Jeric na hindi raw siya pansinin noong mga nakaraang taon sa kanyang school pero simula nang mapasok ang kanilang team sa championship ay naging campus heartthrob na si Jeric. Dumagsa raw ang mga tagahanga niya. Sa katunayan, ang girls pa mismo ang lumalapit para maka-iskor ng halik sa kanya.
Parehong may koleksyon ng sapatos sina Kiefer at Jeric. Mga sapatos ni Michael Jordan ang paboritong kolektahin ni Kiefer samantalang may mamahaling sapatos naman si Jeric ni Kobe Bryant. Ipinagmamalaki rin ni Kiefer ang kakaiba niyang “shoe robot” na tinawag niyang “ trans-shoe-former”.
Kapag walang praktis, bola ng bowling naman ang nilalaro ni Jeric kasama ang kanyang mga kaibigan. Samantalang si Kiefer naman ang host ng kanilang high school reunion. Sino kaya ang mate-technical foul sa kanilang mga kaibigan pagdating sa pagbubuking sa kanilang dalawa?
Abangan ang rematch nina Kiefer at Jeric sa Follow That Star ngayong Sabado, 8 PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular