Filtered By: Newstv
NewsTV

Sundan ang buhay ng Primera Kontrabida na si Gladys Reyes sa Follow that Star


Siya ang tinuturing na Primera Kontrabida sa showbiz. Karamihan sa mga bidang babae sa pelikula at telebisyon ang dumaan na sa mga sampal ni Gladys Reyes. Bata pa lang ay nasa dugo na niya ang pag-aartista. Nagsimula raw siya bilang contestant sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga at ito raw ang nagbukas ng pinto sa pagpasok niya sa industriya. Isa sa mga katangian daw ni Gladys kung bakit epektibo siya bilang kontrabida ay dahil sa kanyang mga mata. Tiyak daw na titiklop ang kanyang ka-eksena kapag nanlisik ang mga mata at pinandilatan na ni Gladys. Pero sa likod ng kanyang imahe bilang kontrabida, isang maaruga at hands-on na nanay si Gladys sa kanyang tatlong anak. Araw-araw niyang hinahatid sa school ang mga anak. Kahit busy sa mga tapings, siya rin ang nagdadala sa kanilang pediatrician para magpa-check-up. Isa rin sa paboritong bonding ng pamilya ang paggawa ng scrapbook.  Madali raw kasi nilang mababalikan ang mga masasayang yugto sa buhay nilang pamilya sa mga lumang pictures sa scrapbook. First time din ipapakita nina Gladys at asawang si Christopher ang paborito nilang past time, ang target shooting. Sinamahan din ng Follow That Star ang pamilya sa kanilang ovenight vacation sa isang 5-star hotel kung saan nag-enjoy sila sa iba't ibang recreational activities doon tulad ng golf at swimming. Ang buhay ni Gladys Reyes sa likod ng camera ay mapapanood sa Follow That Star, Sabado, 8:00 PM sa GMA News TV.