Ang makulay na buhay ni Alyssa Alano, ngayong Sabado sa Follow that Star
Sino ang hindi nakapanood ng video niya sa youtube na kumakanta ng tila kakaibang lyrics : “Keys me, be neat the verdict valeeey, nightleee. V-side the green green grass. Swing swing, swing the spinny stef, you vur the shoez and I will wear the dress. Oh oh…keys me, v-neat the milky twalay. Leeeep me, al-out the moonlit floor. Leaf you open hand, strike entebend, end make the parflays dance silvermousse is barkley... so keys me”
Tama! Ang memorable na youtube video na yan ang pinagbibidahan ng sexy comedienne na si Alysa Alano! Nagsimula siya bilang commercial model pero sa hindi inaasahang takbo ng tadhana nang nag-chaperon siya sa kanyang kaibigan. “May isa akong friend na nag-audition sa Viva hotbabes. Yun sinama lang ako ng friend ko hindi naman ako mag-aaudition siya. Tapos ayun ako yung nakuha.”
Simula noon marami na siyang naging offer na mga proyekto. Katunayan sa ngayon, isa siya sa mga showbiz talk show host. Unti-unti na raw niyang nararating ang kanyang mga pangarap. Marami na rin siyang naipundar tulad ng bahay niya na inspired by Barbie---kulay pink at purple ito at maging ang interior design, parang doll house!
Huwag palampasin ang Follow that Star dahil ang makulay na bahay at buhay ni Alyssa Alano ang ating sisilipin. Sa sabado na 'yan, alas-otso ng gabi sa GMA News TV.