ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Silipin ang buhay ni Mike Enriquez sa likod ng camera sa 'Follow That Star'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang grupo ng special surveillance team ang binuo ng Follow that Star. Target nilang sundan ang araw araw na buhay ng Imbestigador ng Bayan, walang iba kundi si Mike Enriquez.
 
Sa aming pag-i-imbistiga, napag-alaman namin na ang target ay walang tigil na nilalantakan ang paborito niyang pandesal at hopia habang hindi umeere sa kanyang programa sa radyo. 

At eto pa…bago nagsimula bilang anchor ay nag artista pa pala ito sa teatro at gumanap bilang rapper sa pelikula ni Andrew E. na “Humanap ka ng Panget”. 

At ang pinaka-revalation sa lahat ay kung sino ang crush niyang Kapuso actress na ibubuking sa atin ni Igan Arnold Clavio.
 
Isa-isa naming inalam kung paano nga ba nagsimulang ma-discover si Mike Enriquez sa telebisyon at paano niya narating ang success na tinatamasa niya ngayon.
 
“Hindi naman ako nadiscover eh, kaya lang ako naging anchor kasi desperado na GMA nun. May coverage noon ng eleksyon. 1995 o 1996. Nakita nila na malaki po ang kakulangan nila sa mga lalaking anchor, bigla na lang akong tinanong nila, 'Ikaw, gusto mo mag-cover? Ikaw, sige mag-anchor ka'. Sabi ko masamang biro yata yan. Dahil hindi naman pang-TV itong mukha ko 'di ba?”
 
Nakilala din namin ang mga babae sa buhay niya, ang mga inspirasyon niya at pinakamamahal niya.
 
Pati ang alma mater niya ay hindi rin namin pinalagpas na puntahan at siyempre ang extra-curricular activities ni Mike sinilip din namin.
 
Abangan ang kabuuan ng surveillance video sa Sabado, alas otso ng gabi sa GMA News TV!